Monday, May 1, 2023

MAPEH Grade 5, Quarter 4, Week 1

MUSIC

Aralin 1: Ang mga Antas ng Dynamics

     Ang dynamics ay isa sa mga sangkap o elemento ng musika na tumutukoy sa masining na paglakas at paghina ng awit o tugtugin. Ito ay isang pamamaraan ng pagpapahayag sa madamdaming pag-awit o pagtugtog sa pamamagitan ng mga simbolo. Ginagamit ang dynamics upang magkaroon ng damdamin ang isang awitin na pupukaw sa emosyon ng isang tagapakinig. Ito ang elemento ng musika na magpaparamdam ng saya, lungkot, o tagumpay sa damdamin ng isang tao.

     Ang wastong pagbasa at pagsunod sa mga antas ng dynamics ay makatutulong upang maipahayag ng mga mang-aawit at manunugtog ang wastong damdamin na nais ipahayag ng isang kompositor.

 

Antas ng Dynamics

     Ang mga salitang mahina at malakas ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang dynamics. Mayroon ding mga salita na ginagamit upang maipahayag ng wasto ang tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog. Ang mga salitang may kaugnayan sa dynamics ay karaniwang nasusulat sa salitang Italyano.

Antas ng Dynamics

Simbolo

Kahulugan

piano

p

mahina

mezzo piano

mp

di-gaanong mahina

forte

f

malakas

mezzo forte

mf

di-gaanong malakas

crescendo

< 

papalakas

decrescendo

> 

papahina


     Ang mga simbolo ng antas ng dynamics ay inilalagay sa itaas na bahagi ng bawat system ng iskor ng awit. Kung saan nakatapat ang simbolo ng dynamincs ay iyon ang bahaging lalapatan nito.


Aralin 2: Ang Tempo

     Ang tempo ang elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o bagal ng awit o tugtugin. Ang tempo rin gaya ng dynamics ay nakadaragdag sa epektibong pagpapahayag ng damdamin sa isang awitin.

Ang mga Uri ng Tempo

     Mayroong mga salitang naglalarawan ng iba’t-ibang tempo sa musika. Kadalasang ginagamit sa mga likhang awit ay mga salitang nasusulat sa wikang Italya. Ang mga salitang ito ay nagbibigay ideya sa mga manunugtog at mang-aawit kung gaano kabilis o kabagal dapat awitin o tugtugin ang isang kanta.

Uri ng Tempo

Kahulugan

Largo

Napakabagal

Andante

Mabagal

Moderato

Katamtaman lamang

Allegro

Mabilis

Vivace

Mas mabilis at mas masigla

Presto

Mabilis na mabilis

Ritardando

Papabagal na tempo (Dahan-dahang pagbagal)

Accelerando

Papabilis na tempo (Dahan-dahang pagbilis)


✍🏻Written Work #1

Isulat kung ang pangungusap ay TAMA o MALI.

1. Forte ang antas ng boses ng nanay na nagpapatulog ng sanggol.

2. Higit na mas mahina ang mezzo piano sa piano.

3. May kaugnayan ang dynamics sa damdaming ipinahahayag ng awitin o tugtugin.

4. Ang simbolo ng antas ng dynamics na piano ay p.

5. Ang mga awiting inaawit ng may papalakas na tinig ay crescendo ang antas.

6. Mezzo piano ang tawag sa antas ng dynamics na katamtaman ang lakas.

7. Magkatulad lamang ang lakas ng mezzo piano at mezzo forte.

8. Ang mga awiting lullaby ay inaawit ng malakas na malakas.

9. Masaya ang damdaming ipinahahayag na mga awiting mahihina ang dynamics.

10. Ang mga salitang ginagamit sa pagtukoy ng dynamics ay salitang Italyano.

 

✍🏻Written Work #2

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga tempo sa Hanay A.

HANAY A

1. Vivace

2. Presto

3. Largo

4. Moderato

5. Andante

6. Allegro

7. Ritardando

8. Accelerando

9. Tempo

10. Damdamin ng mabibilis na tempo ng awitin

HANAY B

A. bilis o bagal ng awit

B. papabagal na tempo

C. papabilis na tempo

D. masaya/masigla

E. katamtaman lamang

F. mabilis

G. mabilis na mabilis

H. mas mabilis at mas masigla

I. mabagal

J. napakabagal


🌟Performance Task #1

Magbigay ng mga awitin o tugtugin na inaawit nang mahina at malakas. Isulat ang pamagat ng awitin sa tamang hanay.

Mahina

Malakas

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

🌟Performance Task #2

Ihanay ang mga awitin na nasa kahon kung ito ay nasa tempong mabagal o mabilis.

Leron-leron Sinta

Ugoy ng duyan

Ako ay may Lobo

Tong-tong-tong Pakitong-kitong

Santa Clara

Kung Ikaw ay Masaya

Sitsiritsit Alibangbang

Dandansoy

Wiyawi

Ili-Ili Tulog Anay

 

Mabagal

Mabilis

1.

7.

2.

8.

3.

9.

4.

10.

5.

 

6.

 

No comments:

Post a Comment

English SSES, Grade 5, Quarter 4, Week 1

Lesson 1: Using adverbs You will be able to use different types of adverbs (manner, place, time, degree, and frequency) to modify verbs, a...