Saturday, April 29, 2023

ESP Grade 5, Quarter 4, Week 1

Aralin 1: Pagsasaalang–alang sa Kapakanan ng Kapuwa

Naipakikita ang tunay na pagmamahal sa kapuwa tulad ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa at sa kinabibilangang pamayanan

    Bawat isa sa atin ay dapat natin isaalang-alang at unawain ang ating kapuwa. Upang magawa natin ito ng maayos dapat natin itong pagtuunan ng pansin, pagmasdan kung ano ang nangyayari sa kapaligiran, iimbestigahan mo ang bawat pangyayari sa kaniya at bibigyan mo ito ng lubos na pagsusuri upang ikaw ay makapagbigay ng isang maayos at angkop na pasya batay dito. Sapagkat ang pagbibigay ng panahon sa isang taong nangangailangan ng tulong sa oras ng kagipitan ay isang napakalaking kaginhawan sa kaniya at ito ay isang patunay na tayo ay may malasakit sa bawat isa sa atin. Kaya nararapat lamang na tayo ay makapagbigay ng tulong sa ating kapuwa lalo na sa mga taong nangangailangan nito.


✍🏻Written Work #1

Panuto: Basahin ang mga pahayag at unawaing mabuti. Iguhit ang 🙂 kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsasaalang–alang sa kapakanan ng kapuwa at ☹️ naman kung hindi.

1. May malasakit ako sa nakikita kong mga batang umiiyak sa palaruan.

2. Iginagalang ko ang mga tao sa aking komunidad.

3. Sinisisi ko sa mga kinauukulan kapag may nangyaring kalamidad sa aming pamayanan.

4. Tumutulong ako sa paglikom ng donasyon na ibibigay sa mga nasalanta ng kalamidad.

5. Pinamimigay ko ang aking mga lumang damit at kagamitan na puwede pang gamitin ng ibang tao.

6. Kusang-loob akong tumutulong sa mga nangangailangan sa aming mga kabarangay.

7. Wala akong pakialam sa aking kapuwa sa aming komunidad.

8. Binibigyan ko ng paalala ang mga tao kapag may padating na kalamidad.

9. Inaako ko ang mga gawaing bahay ng aking kapatid kapag siya ay may sakit.

10. Nililigpit ko ang sarili kong kagamitan at hindi inaasa sa aking kapatid.


🌟Performance Task #1
Kapuwa Ko, Pagmamalasakitan Ko
Ikaw ba ay may karanasan na rin sa pagtulong o pagmamalasakit sa iyong kapuwa? Kung gayon ay ibahagi ito sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling kuwento ng pagsasaalang–alang sa kapakanan ng ating kapuwa. Bigyan ito ng pamagat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.


No comments:

Post a Comment

English SSES, Grade 5, Quarter 4, Week 1

Lesson 1: Using adverbs You will be able to use different types of adverbs (manner, place, time, degree, and frequency) to modify verbs, a...